Nandyan ka nanaman
naririnig-rinig ko na
ang 'yong matinis
ngunit mahinang tinig
na bumubulong at
bumabaybay sa gitna
ng aking alaala.
Nais mo talagang
ako'y saktan
sapagkat wala sa iyong isip
na ako'y tigilan.
Pinapabayaan kita.
Sige ubusin mo ang iyyong lakas
sa abot ng iyong
makakayang busugin
ang iyong sarili.
Magsaya ka
Hangga't sa gusto mo!
Ilang minuto na lang
Puputok din
ang tiyan mo!
-END-